Monday, July 7, 2008

Makata Vol.9: July 2008 (Special Tambuli Issue)

Surrender
By Ember

If you can’t find me
Staring half-awake in a galaxy of tracts,
Dwelling in infinite obscurity
Wandering around once dreaded path,
Desiccating my wroth body under the rays of the sun.

If you can’t hear my voice
Waving in the air as it breathes,
Blazing in a handful of murdered hopes
Croaking for iniquity,
Upbraiding for divulged ignorance.

I’ll be somewhere out there
Halting from afar,
Muffling my head in a mount of grief,
Toiling the ground of my grave,
Waiting for dawn to polish my crypt.


Pagkalas
Ni Tala

Unti-unti, lalasunin ng antok ang mga mata kong pagal na sa paghihintay ng umaga.
Tuluyang paglalapatin ang talukap,
iduduyan sa nirvanang panaginip.
Lalamunin ng dilim ang kagyat na liwanag na ninakaw sa kaniyang banyaga.
Kakalat ang dilim,
patuloy na uulanin ang damdaming tighaw sa kadalisayan,
lulumpuhin ng pagpupumilit ang bukas na inilatag sa aking mga palad.
Pagsisisi habang malumbay kong minamasdan ang pagkawasak ng larawang iniukit dito sa kaliwang parte ng aking dibdib.
Mamumuo ang galit habang pinaglalandas ko ang bukal ng aking dugo sa iyong kinalulugaran.
Itigil ang pagluha,
tikisin ang paghihimagsik na nadarama.
Bukas, maipaplano din natin ang huwad na paglaya.


Pangungulila
Ni Tala

Sa dilim ng gabi’y pilit kong pinapagluha itong panulat.
walang mababakas na liwanag
mula sa palalong kaligayahan
o sa mga piraso ng pag-asang ‘di masumpungan.
Patuloy sa paglaganap ang dilim,
at ang mahihinang buto ko’y kagyat nitong tinutunaw.
Hindi ang init mula sa ningas ng apoy
ang maaaring tumambal sa lamig na namuhay sa bawat kong ngiti,
o ang mabining halik ng hangin sa humpak kong pisngi.
Mananatiling payak ang pamamaalam ng buwan,
siphayo sa bawat pagniniig ng kumot at unan.
Ipikit ang mapanglaw na mata,
walang mabibistayang luha,
walang awit, walang hininga.
Pangako, walang galit akong nadarama.


Puting Martsa
Ni Tala

Hindi sapat ang luhang dumadaloy
mula sa mga matang nagkait ng pagtingin sa pumanaw na ulirat.
Paglandasin man sa magkabilang bisig ang dugo,
hindi ito tatambal sa sakit na ipinabaon sa aking paglisan.
Lumuhod ka, ihingi mo ng tawad ang pagwasak
sa aking bukas na nangako ng tagumpay at ligaya.
Itangis mo ang naninimdim kong obra,
pati na ang lumulumang melodiya.
Awitin ang nagdaang lungkot at pighati,
.at lisanin mo ang iyong kinalulugaran,
lasapin mo ang pait ng pagdadalamhati.
Ikaw na nagnakaw ng pag- ibig,
ikaw na umutas ng buhay.

Yayakapin mo ang malamig kong katawan,
at isang siglo mong tatagayan ang bawat alaala ng aking kamatayan.


Pinukaw mo ang nahimbing kong pag-asa,
tinuyo ang ulan at luha
pinawi ang sakit at pinaghilom ang sugat.
Pinintahan mo ng iba’t ibang kulay ang mapanglaw kong mundo,
at sa gitna ng malawig kong kaligayahan,
ikaw ay naglaho.

Inuugat ang alaala ng bawat paguulayaw,
hagkan mo ang hapdi ng nakaraan,
aawitin ko ang melodiya ng pag-iisa,
uundayan ng saksak ang nag-mamakaawang letra.
At pangako, patuloy kong ipapagkit ang ngiti,
‘di mo mababatid ang pagkukunwari.

Pagbati ng kaligayahan sa inyong nakabuo ng mortal.
Mga pangakong isa-isang binitawan sa altar.

Doon sa aking huling hantungan,
ibaon ang pagkagapi ng masidhing ilusyon,
kasama ang bulaklak, tula at emosyon,
alak, lupa at kasawian.
Isama mong lahat sa bago kong tahanan.


APARATO
Ni Dosage

Hindi ko narinig ang milyong beses na pagtunog
ng linyang siyang nag-uugnay sa ating dalawa,
hindi ko narinig, ‘pagkat pinili kong huwag pakinggan.
Tinangay nang mahabang sandali ang pag-asang
‘di na muli pang bubukal ang masaganang luha mula sa aking mga mata

Mahina nga yata ang elemento ng hanging aking nalalahanghap,
‘pagkat unti-unti akong nawawalan ng lakas,
dahil ang pagnanais na tawirin ang pader sa pagitan nating dalawa
ay ‘di ko na gagawin pa.
Tama na ang sana.
Ang nakalipas ay tapos na.
Nararapat lang na ang mali ay itama.
Ang langit mo'y nagdudulot ng dusa,
halakhak mo'y siyang aking pagluluksa!
Kaya’t ‘wag ka ng umasa,
‘pagkat milyong beses mang mag-ingay ang nagwawalang aparato,
mas pipiliin kong itapon ito ng manhid kong sistema.


Alay Sa Kawalan
Ni Dosage

Para saan ang pagtawa
habang siya ay nagluluksa?
kanlungang mapang-api't mapanghusga,
Kailan titigil ang pagluha?
Para saan ang pagkilala?
kung siya'y nililibak sa kabilang banda
habang siya'y kasalukuyang nagsasaya.
Para saan nga ba itong tula?
Para saan ang pagkamay?
Ang pag ngiti't mga pagkaway?
para saan ang katahimikan?
paghihintay sa iyong paglisan.
Para kanino ang mga halakhak?
kung mundo'y sadya kang tinatalampak.
Hapdi ba'y mapapawi sa huwad na palakpak?
Para kanino ang luha?
sa mga aninong di nakikita?
Para kanino ang dusa?
Para kanino nga ba itong tula?
Para saan ang tinta?
Para saan nga ba ang tula?
Para kanino ang lohika?
Para kanino nga ba itong tula?


Kay Brutal
Ni Tala

Tumigil ang musika.
Naglaho ang larawan ng kagalakan
at unti-unti nitong pinapatay ang aking pag-asa.
Maliwanag na ang langit,
hindi ko na madama ang galit,
hindi ang tuwa o paghihinagpis.
Lumiwanag na nga ang kalangitan,
at patuloy sa pagpatak ang ulan.
Tinta at minuto para sa pangungulila.
Bawat alaala'y malumbay na kumukupas.
Nadarama mo rin ba?
Ako'y nalulunod sa isang kutsarita ng kawalang katiyakan.
Hindi usok o alak ang uutas sa pambubuska ng kabiguan.

Huhukayin ko ang bagong tahanan
ng nagdaang tuwa at ligaya
Ibabaong pilit ng di na makapaminsala pa.
at dito sa sanktuwaryo ng pag-iisa,
Isang milyong segundo ko hihintayin ang panibagong umaga


Tantra
By Kyunjin

On this sacred fusion
of bone and flesh,
may you find peace
on the peaks and hollows
of my porcelain skin,
as my arms enfold yours
in this mighty tryst,
where the moon meets sun,
and the waves meet stars.
May your soul and mine collide,
as you lie on top of me,
and wrestle with
the demons of desire and lust,
and hopefully love.
May I get caught
n the fusion of
your dreams and
our reality,
so that I may
remain yours.
No matter which way you go.


Paalam sa Pagkabata
Ni Kyunjin

Pitikbulag— yan ang tawag namin sa grupo namin. Di ko masabi kung barkada ba kami, gang o fraternity. Basta ang alam ko, kapag tropa ka ng pitikbulag, in ka.

Nagsimula kami ‘nung hayskul pa. Mga estudyanteng magkakapitbahay na walang magawa sa buhay, mahilig mag-cutting at maglamiyerda. Si Ryan at Onyok, kaklase ko na noong fourth year. Pagkatapos dumating si Amerie, ang bulaklak sa talahiban. Noong una, sabit lang siya sa tropa pero di kalaunan ay naging nobya siya ni Ryan.

Kaming tatlo ang pinakamaagang naghihintay sa gate ng skul. Kapag pwede nang magpalabas ‘yung guard, ayun! eskapo kami agad sa bahay nila Ryan. Patay na ang mga magulang ni Ryan, ganun pa man, nag-iwan ito ng ilang ari-arian kaya ‘di hirap sa buhay ang mga naiwanan. Ang maganda pa dun, may playstation 2 siya. Noong mga panahon na yon, konti pa lang ang may ps2, playstation 1 siguro marami na, pero pag may ps2 ka, sasambahin ka. Dahil inuubos namin ang maghapon namin sa paglalaro, bago namin namalayan, drop-out na pala kami.

Pero ok lang yun, may second chance pa naman. Nung sumunod na taon, pumasok uli kami dala ang pangakong makakatapos na kami ng hayskul. Love is sweeter the second time around ‘ika nga. Dito namin nakilala si Buboy, ang siga ng four-nickel.

Astig ang banat ni Buboy, kahit di siya nagpapatawa, matatawa ka talaga. Hobby niya ang mang-inis ng mga mababait na estudyant, pero ‘wag ka, kapag oras ng pangangailangan nariyan siya.

Nadagdagan pa kami ng nadagdagan sa paglipas ng panahon. Nandyan si Cielo the scavenger na ang hobby ay kumain ng tira ng iba, si Jay R na hip hop at ang magkapatid na bandista na sila Gian at Eric. Di kalaunan nakilala din namin si Kate, ang bespren-slash-girlfriend ko.

Sa dami ng itinagay naming alak, pinasok na away at yosing pinagsaluhan, masasabi ko na kilala ko na ang ugali nilang lahat. Alam ko kung sino ang pinakamadaling uminit ang ulo, ang pinakamalakas uminom, ang pinakasensitibo at ang pinakamalakas mag-trip. Alam ko din ang mga problema sa likod ng masasayang mukha nila. Gayunpaman, tuloy parin ang buhay. Basta magkakasama, kaya.

Bago ko pa man namalayan, napag-iwanan na pala ko. Noong tumuntong kasi kami sa kolehiyo, nagkahiwa-hiwalay kami. Naging kumplikado ang buhay.

Si Ryan nag-asawa na. Nabuntis kasi si Amerie nang wala sa oras. Kinailangan niyang magtrabaho. Palibhasa walang natapos, sideline dito, sideline doon. Hindi naman kasama sa plano pero nasundan pa ng ilang ulit ang panganay nila. Kasalukuyang siyang nakikipagsapalaran bilang seaman.

Si Cielo naman isinama na ng mga magulang niya sa probinsya para dun mag-aral. Ang alam ko di niya hilig ang magnegosyo, pero nabalitaan ko na lang na siya na ang humahawak sa buy-and-sell business nila. Matagal-tagal na rin noong huli ko siyang nakita. Scavenger parin kaya siya?

Hindi nakatapos si Buboy tulad ng inaasahan ng lahat. Nauwi siya sa kinasasadlakan ng mga high school undergraduate, naging factory worker, crew sa jollibee at kasalukuyang construction worker. Pagod na lang ngayon ang mahihinuha mo sa dati niyang masayang mukha.

Sina Jay R, Gian at Eric naman, ayun, nagpapasa ng demo tapes sa mga producer, gusto yatang magpadiscover. Ewan ko lang kung na-discover na sila.

Pero wala na yatang mas sasakit pa sa mga pangarap naming nabigo ni Kate.

Di ko makakalimutan yung araw na iyon. Ilang buwan na rin kaming nagsasama ni Kate sa bahay na to. Kumakanta si Kate habang naliligo. Maliit pang masyado ang tiyan niya para mahalata ang batang dinadala, pero hinihimas niya ang tiyan niya na para bang nararamdaman niya na ang bunga ng pagtatalik ng aming mga kamalayan. Tapos bigla nalang siyang umungol, mahina lang, nakakatakot. Pagpasok ko sa banyo, umaagos parin ang tubig sa shower, pero sa di malamang dahilan, pula ang tubig na dumadaloy sa dilaw na tiles ng banyo. Nakaupo si Kate sa sahig, sapo and tiyan, walang tigil ang agos ng dugo sa maputi niyang hita. Doon natapos ang mga pangarap namin.

Ano mang subok namin, ‘di na kami makabuo ng ipapalit sa dapat sana’y Junior o prinsesita namin. Masyadong mahina ang katawan ni Kate para magdala ng bata. Kailanman di ko naisip na sisihin siya, pero di niya man sabihin, alam kong dala niya ang bigat ng mga pangyayari. Nangibang bansa siya sa udyok ng pamilya niya. Tumatawag siya lagi para kamustahin ako, tinatanong kung iniingatan ko ba ang sarili ko at kung tumaba na ba ko. Minsan umiiyak siya, tapos maiiyak na rin ako. Sabi niya kase saglit lang siya dun, pero dahil sa mga problemang pinansyal ng pamilya dito, kinailangan niyang magtagal pa ng konti. Minsan gusto ko siyang yayaing umuwi, pero gustuhin ko man di ko magawa, dahil alam ko naman na uuwi talaga siya kung hihilingin ko. Hindi naman talaga niya gusto dun, tulad ko at ng marami, naging biktima lang din siya ng kahirapan.

---
Tinapon ko ang niluto kong bicol express sa kaning baboy, paano ba naman napanis lang sa ref. Naligo na ako at naghanda sa pagpasok sa trabaho, hinugot ang mga nakasaksak na gamit at pinatay ang ilaw.
---

Hindi ko alam kung bakit umakyat ako sa rooftop ng gusaling iyon, pero pagdating ko sa tuktok, nakaramdam ako ng kakaibang ginhawa. Hindi ang ginhawang dala ng tawa ni Buboy o ng mga payo ni Ryan, hindi rin ang ginhawang dala ng pagdaiti ng katawan ni Kate sa akin, pero pwede na rin.

Noong tumalon ako, naramdaman ko ang paglagaslas ng mga masasayang alaala sabay ng paghiwa ko sa hangin. Naroon ‘yung nagtaguan kami sa skul, sumama sa retreat sa Tagaytay at naghanap ng limampung uri ng halamang gamot. Naroon din ‘yung hinalikan ko si Kate nung umakyat kami sa bubong nitong bahay, nung naligo kami sa dagat at bumuo ng mga pangarap. Bago ako lumagpak sa lupa, naalala ko pa ang sinabi ko sa kanila, “basta magkakasama, kaya.”
---

Ang init. Paano ba naman napakaraming tao. Kung nandito siguro ngayon si Rush, matutuwa siya sa dami ng dumalaw sa kanya. Kaso hindi ko masabi kung nandito nga siya.

Nakatingin sa malayo si Kate na tila nag-iisip, pero nung sinundan ko yung tingin niya, nakita ko yung crib na binili nila ni Rush sa swindler dito ilang taon na ang nakakaraan. Ang sabi ni Tiya Bing nakatago na yun, pero mukhang inilabas ni Rush, kase nakapatong dun ang mga unan nila ni Kate.

Minsan naririnig ko ang tawa niya, ewan kung totoo o imahinasyon ko lang. Minsan naiisip ko, bakit nga ba umalis pa kami sa Sta. Ana? Bakit hindi man lang namin siya kinontak? Lungo ang ulo naming lahat habang nakaupo sa mesa nila, may sari-saring katanungan. Sabi nila sabog daw siya sa marijuana nang tumalon sa building na yun. Pero di ako naniniwala.

Napatingin ako sa saradong kabaong sa gitna ng salas. “Gagong mokong ‘to, ‘ni hindi man lang kami pinayagang makita siya sa huling pagkakataon.” Tumulo ang butil ng luha sa gilid ng mata ko, gumulong sa malusog na pisngi, nahulog at sinipsip ng itim kong damit.

“Paalam pare.”


Tsinelas
Ni Tala

Tigmak ang pawis habang binabaybay ko ang daan pabalik sa aming kubo. Limang araw na lang at pasko na. Masakit sa balat ang matinding sikat ng araw, mabato ang daan, pahirap pa lalo’t halos ‘sing nipis na lamang ng papel ang gomang tsinelas na aking panyapak. Malayo pa, mga tatlumpu’t limang minuto pa ang lalakarin ko, pero ayos lang, sanay na ako. Bukod pa dito’y excited akong makauwi dahil sigurado akong naroon na sa bahay ang bagong tsinelas na ipinangako ni nanay.

Ako si Lito, labing tatlong taong gulang at na sa ikatlong baitang sa elementarya, matanda na ako para rito, alam ko. Napilitan akong huminto sa pag-aaral pagkatapos mamatay si tatay noong atakihin ito sa puso, doon sa bukid na kanyang sinasaka. Naalala ko pa ‘yung mga sinabi niya.. “makakapagtapos ka sa pag-aaral, pangako. Hindi ang kahirapan o ang mga ganid sa lupa ang hahadlang sa atihg mga pangarap.”

Sa lupang iyon binuo namin ni tatay ang aming mga pangarap, at sa lupa ring iyon binawian ng buhay si tatay. May kung anong hapdi pa ring dulot ang mga alaalang ito. Napailing na lamang ako, nariyan pa naman si nanay. Bubuuhin namin ang mga pangarap, pangarap na gumuho ‘nung iwan kami ni tatay.

Sa isang pamantasan sa Maynila, doon ko gustong mag- aral ng kolehiyo. Iyong malapit sa mga pamilihan at sinehan, ‘yung maraming ilaw, ‘yung maliwanag. Nakauniporme ako at may hawak na mga aklat.

Lalong bumilis ang paglakad ko, malapit na . Naglalaro sa isipan ko ang larawan ng pag- unlad. Hindi na muli pang makikipag-laban si nanay para sa lupang para saamin naman talaga. Ang kubong aming tinitirahan ay mapapalitan bahay na bato. Hindi na magpapaltos ang paa ko sa paglalakad, at bukod sa lahat, makakakain na kami tatlong beses isang araw. Pangarap, masidhing pangarap .

Sa wakas, nakarating na rin ako. Nakapagtatakang bukas ang pinto. Tahimik. Wala pa ba si nanay? Marahan akong pumasok at tinungo ang silid; walang tao. Dapat ay narito na si nanay. Sinabi niya sa aking nandito siya ‘pagka-uwi ko buhat sa eskuwela. May kung anong kaba ang bumangon sa aking dibdib. Kailan lang ay may mga katawang natagpuan sa may ilog, lalo tuloy akig kinabahan. Sunod kong tinungo ang kusina at doon, nabistayan ko si Nanay. Duguan. Dilat ang mga mata. Walang buhay. Sa tabi ay ang pinangako niyang bagong tsinelas, pati ito, may bahid ng sarili niyang dugo. Sukat doo’y namayani ang takot at galit saking dibdib. Narinig ko ang malalakas na kaluskos mula sa bakuran at buhat doon, lumabas ang mga kalalakihan, may dalang mahahabang baril at mga nakasuot ng camouflage, sa wari ko’y sundalo ang mga ito.

“Bakit? Anong kasalanan na-” ‘yun lang ang nasabi ko at lumakad patungo sa kinatatayuan ko ang mga lalake, sabay tutok ng baril saakin. Itinaas ko ang aking kamay. Isang putok. Isa pa. at marami pang isa. Mainit ang likidong tila gripo kung umagos sa aking balikat, at tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

Ako si lito, labing tatlong taong gulang at nasa ikatlong baitang sa elementarya. Matanda na ako para dito, alam ko... Pangarap kong makapagaral at makapagtapos sa isang pamantasan sa maynila. ‘yung malapit sa mga pamilihan at sinehan, ‘yung maraming ilaw, ‘yung maliwanag. Nakauniporme ako at may hawak na mga aklat.

At patuloy sa pag-agos ang masaganang dugo...

Ako si Lito, inagaw sa akin sina tatay at nanay. Inagaw sa akin ang pasko. Inagaw sa akin ang karapatang masilayan ang isang maliwanag na bukas. Malupit ang mundo.


Veronica
By Ember

“No turning back miss, ‘you sure with this?” said by the woman in front of me. “Yes I am.” I said back, not looking on her eyes. “How many months is it now?” the woman said while taking the apparatus from her bag.

Sta. Barbara, this is where I was born and where I grew up. For every one, hometown is where their fondest memories were made. But for me, this is the place where Satan must’ve decided to flee when his kingdom in inferno burned down after it had been severely affected by global warming.

Here, you’ll see the typical stories you love to watch in your half-baked telenovela- live in action. A drunk man beating his wife, a mother who gambles from morning ‘til dawn, a teen age mom, kids smoking dopes, group of young men exchanging bullets on each other’s head, children of four to six years of age looking for scraps on a dumpsite, robbers, hookers... name it. Every element needed by a writer to make his story dramatically-tragic resulting to a spectacular rating is here in Sta. Barbara- my place, and I am Veronica. You might’ve seen me in one of your telenovela marathons, but I am no actress, not with this over used body and a tarnished name nailed on my forehead.

I was in third grade when mama left us, leaving me, my four younger brothers and my bed-ridden father. In my young mind, I knew then that a great responsibility has been put on my frail shoulders- putting something on our mouth in order for us to live. I quit schooling and tried various jobs, but none has given me money enough to take my family out of this filthy basin we’re in.

It’s been seven years now, there’s no any trace of sweaty neck or dirt on my innocent face, just scent of cheap cologne and lustrous make-up painted on my face. I am no longer taking leftover from garbage bags of fast food restaurants for our meal, I am no longer selling cigars on the streets to buy papa his medicines. for pulling off my underwear can buy a kilo of rice and few bags of fish crackers dosed with vetsin and salt, and making a man moan in ecstasy is enough to buy papa two tablets of his medicine... and this two-month old angel in my womb is the price I got to pay for striving to feed my family’s throbbing stomach.

“This won’t hurt that bad, but will bleed pretty much.” The woman then parted my legs. Tears rolled and dried on my cheeks. I’m sorry little angel; I won’t have the chance to hold you... kiss you... I’m sorry...

My name is Veronica and I live here in Sta. Barbara.

A place cursed by its patron. Slaved by poverty. Overlooked by the government. Victim of fate. Forgotten by your God.

I am Veronica, living in a box of cruelty. Long been killed by rotten system of the society.

numly esn 17751-080802-946430-88


© 2008 All Rights Reserved.

No comments: