A lover wishes
To reach his beloved
Hidden path to its stairway
Verified through Prophets Way
Wrapped with wool
In deserted places
Remembering Thy name
Blessed by Allah’s grace
Be cautious thy steps observed
Thy enemy muddle up in blood
Sluice it with pure repentance
His will to fool shall be gone
Satan and Lucifer is just one
Protracting salik from the light
Trick played well in one’s mind
Till one soul get corrupt
Don’t stop to hope even in vain
Allah’s mercy we can’t predict
Walk while it still fuddled
Cease when sun cast its rays
Colonial Word
Why thou call us Moro?
Aren't we distinct people?
The Moor and us is one
In faith but not in name
Why thou call us Moro?
Haven't thou found our name before?
How does it benefit you?
When thou call us so.
The term Moro is alien
Not from our ancestors came
Deeply rooted in our land
During the Spaniard time
Mindanaons and Sulus are suffice
To portray our heroic past
Cease to put us into trap
The term Moro is not of us!
SUARIMI
Suarimi nakura’
Nagtagna’ ha Manila
Nagbaktul hilu hala’
Bangsa in piyanagawa’
Pagbaktul sin panali’
Masakil hinang saksi’
Similawak magpagapi’
Bat kusug di’ masagpi’
Tagna’ waypa nagbistu
Di’ mag-gaus magtipu
Taayun bang pa-atu
Hula’, bangsa, agama in moto
Panaiban Nakura’
Panagnaan himuka’
Higung-hagas nabuka
Nagmuparik in guwa’
Maas usug matahan
piyakahula’hulaan
Hula’ Arab pagtapukan
Pagkahi iyusibaan
Limugay naguplut
In kiyaawnan nagsulut
Planu piyaragbus
Sah wayruun da pus
In satru’ nagpikilan
Suarimi hiyukutan
Ridaham napsuhan
Taymanghud piyuklasan
Kailu in nakura
Kiyuddam karna’ hula’
Inday bunnal baha’
Bang in siya sawasa’
Nakura’ kaibanan
Harus pangasubuhan
Parhimpunan liyu’dang
Hisiyu in tagbaktulan?
Magnyung-nyung Bangsa
Pikilan naglulupad-lupad
Labi daing sambulaan bang di' mabihag
Maguplut-uplut bang makailag
Indaginis bahana' hinangun ad
Dupuy-rupuy sin hangin landu' iral
Hantang ha bikad-bikad maghibal-hibal
Di' mag-irup sin hikamula bang maksud mabiyal
Kaadilan dawhatun misan jasad masalay
Magkahig-kahig ha kapantayan
Maguki'-uki' sin kulina kapandayan
Bangsa pasayuhun daing ha kahapungan
Palita' agama amu padduman
Kalummi'-lummian ha laum atay
Kalagihan lanuan bat di' makalapay
Bang atay makadawhat kahanungan kakkal
Mahinang taytayan sin pamarinta marayaw
© Aliazer S. Abdurajim
a strand of honey
a squirt of lemon
for my tea
even in beverages
I seek balance
how tenderly
he delivers the eulogy
and kisses the forehead
of the wife
he cheated on
(previously published in Ribbons)
through the rain
I lead you to my home
for dinner...
the look on your face
when you find out I can cook
(previously published in Tanka Cafe)
© Aurora Antonovic
Aurora Antonovic is a Canadian writer, editor, and visual artist whose work has been published internationally. She currently acts as haiga editor for Simply Haiku, artist-in-residence for moonset, and editor-in-chief of Magnapoets (http://www.magnapoets.com ), a print publication that seeks to promote love of poetry in all forms.
THOUGHTS OF LIVING
I thought of living for a change
and put on my best face for April.
I didn’t want to wear it in March.
It was still too cold some of the
mornings and afternoons.
I saw a movie a day, most of the days
in theatres, and I didn’t care
about what the critics said.
I went to sporting games as often
as I could. I attended concerts,
anything my pockets could afford.
Sometimes I got in free, snuck in like
a thief unafraid of the consequences
of getting caught. I could not
wait for the summer. I would put
on my best face for it too.
I wanted to continue my thoughts
of living. I gave death the cold shoulder.
RIVER OF LIFE
I marvel how the river
of life takes me forward
in tiny breaths and waves
toward my pre-destination.
I fear I have no control.
I regret not being
a flower. I despair
of the worms who will devour me.
My pain flows in the river
of life. Damp with tears, I
know I am not the only one.
I never lose sight of
how everything must be
pre-destined, such as autumn’s leaves.
SWEET
My sweet friend
was fumbling around
her purse for her pills.
I call her
my sweet friend because
she is diabetic.
She enjoys
being called sweet
instead of ill.
I remind
her to take it easy
on the sweets. But
she never
listens. I should
take my own advice.
© Luis Cuauhtemoc Berriozabal
West Covina, CA
ISANG DIPA
Gaano kalapit o kalayo ang isang dipa?
Malas ang mga pandak kung nais nila'y malayo.
Malas ang mga matatangkad kung gusto nila'y malapit.
Ano ang nasa isang dipa?
Ang kawalan at magpasawalang-hanggan.
Ano ang kahulugan ng isang dipa?
Tayo'y magkaibigan, yun lamang.
Ano kamo?
Ang layo mo.
Di kita marinig.
Pakisabi na lang sa Dipa ang iyong panig.
Mabuti pa ang isang dangkal.
Tapos na ang daldal!
ANG DAYA
Bakit ganoon ang tadhana?
Para bang nananadya!
Huli na naman ng aking nalaman,
Naiwan na naman akong nag-aalinlangan.
Talaga? Bakit di ko naramdaman?
Sadya bang ako'y manhid na o dinedma ko lang?
Wala na akong magawa malayo na ang ating pagitan.
Sakto, baka iyon mismo ang dahilan!
Subalit aanhin ko pa ang impormasyong ito
kung mananatili akong nakalutang dito?
© Faith Erasmo
Boracay
Langit sa naghigugmaay,
Mao kini ang Boracay,
Kaanindot nga matag adlaw,
Daplin sa dagat maglakawlakaw.
Igtago sa adlaw nga gapanaw,
Kasingkasing ma-abtan og kalinaw.
Maanyag nga mga dalaga,
Walay libog walay duhaduha,
Ang baybayon tinuod nga ilaha,
Matahom nga nangbikini,
Sa nanan-aw makawili.
Labihan gyod maka-ibog,
Mawad-an ka og ka-ikog.
Pagsubang sa puno nga bulan,
Gabiing paskan kabulahan,
Takna na nga angkonon,
Sa hapak sa dagat sa baybayon,
Seremonyas sa gugma ipauyon,
Sungsongan na ang ganghaan,
Panghilawas nga gihigalaman,
Pupoon na ang bulak,
Pinaagi pod sa balak,
Ining panagsaon nga Boracay,
Nga makapuno gyod og kalipay,
Bation ang lawasnon nga himaya,
Kab-oton ang langitnon nga hudyaka,
Dili-dilion nga biyaan,
Kining pulo nga na-abtan,
Hingkalimtan ang kasakit,
Kon dinhi ka gisampit,
Mao kini ang Boracay,
Pulo nga walay ikamahay.
© Manuel Lino G. Faelnar
Director, DILA Phils. Foundation, Inc.
(Defenders of the Indigenous Languages of the Archipelago)
crocus blooming
in the remnants of the snow
geese winging north
I hear a young woman sing
to hush a baby's crying
another morning
and all my problems rise
with the sun
like having sticky hands
and nowhere to wash them
(first appeared in Poetic Voices, November 2003)
in my wallet
tattered and faded
a photograph
a moment frozen from the past
it's all I have of you
(first appeared in Autumn Leaves, March 2005)
I make a wish
on that falling star
hoping
then I find out
it was space junk
(first appeared in Autumn Leaves, March 2005)
your picture torn
in pieces lies at the bottom
of the wastebasket
but try as I might I can't
tear you out of my heart
(first appeared in Above Ground Testing, September 2004)
© C W Hawes
C W Hawes is a human services worker who divides his time between Minneapolis, Minnesota and rural northeast Iowa. His muses are Whitman, Millay, Basho, Issa, the Imagists, Takuboku, and Rumi. He holds a bachelor’s degree in history and political science and a Masters of Divinity degree. His work has appeared in Carnelian, Lynx, Simply Haiku, Lilliput Review, Amaze, Makata, and The Ghazal Page, among others.
Dayoff
Matapos ang ilang araw na paglaya
Nais kong manatili sa bahay
Hanggang kaya ko pa…
Ang pagyapos sa mga magulang
Na pumapalis ng lahat ng klase at antas ng ginaw
Ang pagsasanib namin ng unan at kama
Pagkalabit sa namimighating gitara na nakasabit sa dingding
Palutangin ang sarili sa tunog ng aking mga cd at mp3
Pakikipaglaro sa mga alagang aso na itinuturing kong mga kapatid
Pagmasid sa mga larawan sa kwadro na nakasabit sa dingding ng kwarto at ng sala na may mga mapupusyaw ng kulay
Pagpapahangin sa may bakuran habang nakaupo sa sariling gawang upuang kahoy
Nakikinig nahuhumaling sa halakhakan at kwentuhan ng mga musmos sa kapitbahay na isang biyahe pabalik sa aking kabataan
Mga bulaklak at gulay sa hardin aking binabati hinahaplos na tila isang nawalay na kasintahan
Ang tsinelas na aking isasama sa paglilimayon sa antigong mga kalye at eskinita na isang lupain ng ginhawa,
Kaligayahan sa puso (buntong hininga)
Ang muling bumiyahe upang magpalagutok ng buto
Bago lumayo sa pamilya
Upang mas mapalapit ang bawat isa.
Habilin
Sa ‘king libingan,
Pakiusap... walang Rosal Sampaguita o Rosas
Na sasanghaya,
Walang saging, hiniwang pakwan o mangga
Na iaalay sa king puting sementadong dibdib,
Walang tawanan o kuwentuhan
Tungkol sa ‘king manlalabong kasaysayan.
Pakiusap,
Gawin ninyo akong abo,
Maaari ninyo itong isaboy sa ating halamanan
Kung inyong mithi...
Ngunit mas nais kong ilagay niyo na lang sa garapon
At ikubli sa isang madilim at nakapanghihilakbot na dako
Ang aking labi
Upang maalala ninyo
Na may dulo ang hininga
At mayruong mas mahalaga
Kaysa sa pagpapanatili ng pag-iral
Ng ornamentadong panandaliang pisikal na katawan.
Pagsulyap sa pagtanda at pagyao
Tulad ng magkayakap ng patpat
Sa rumaragasang ilog
Ang relasyon dito sa mortal na daigdig,
Payapang magkasiping
Sa kalmadong agos,
‘di alintana batong nakaharang
At pagtama ay ang paghiwalay
At manipis ang pagasang
Tinatamasang muling yakap.
© Frederick Lim
Si Frederick Lim ay laking Maynila at napadpad lamang sa Tabaco, Albay noong 2000. Isa cultural worker, at nakahihiligan niya rin ang paggawa ng pelikula at paglalathala ng isang art magazine.
Jumper
Marahil napakalayo ng lakarin ng mga katagang gusto mong iparating sa akin,
naglalakad pa siguro ang mga letrang m, a, h, a, l sa kalawakan at baka
t, a, p, o, s na lang ang dumating sa aking nakangiti at a, l, i, s, n, a, k, o,
ang tanging masasabi ko--- subalit lagi namang milya ang tinatakbo
ng mga salita nating hindi magkapanabay kung lumarga, lagi kang nauuna,
ako sa huli, minsan sinubukan kong sumampay ngunit mabilis ang pagdating
ng mga letrang b, a, w, a, l at muntik kong makalimutan, hindi pala atin
ang kalyeng nilalakaran at wala tayo sa kahong madaling galawan,
at ngayon, naghihintay ulit ako sa mga titik na pinangako mo, habang
nag-uulayaw sa aking isipan ang nagkabuhul-buhol nang mga istorya sa aking paanan,
hindi kita matakbuhan, hinihintay ko pa rin ang h,e,l,l,o mo sa telepono,
baka sakaling dumating sila ngayong gabi, huwag mo sanang kalimutan,
ilang ulit akong tumalon para maabutan ang mga salita sa iyong higaan
na paulit-ulit kong aaalalahanin kapag ako naman ang nagpadala ng mga letrang
p,a,a,l,a,m at nasa eroplano na ako, tumatalon palayo sa iyong mundo.
Cornering Silence
I corner the buzzing of the fly like a box full of heated arguments.
my ears reach for the palm of time.
i suck the blood of her
wound as i cut the very wrist of my heart.
i begin to undress the anomaly of faith and mistrust,
and open the drawer in her eyes filld with unsinging tears.
© Jen Macapagal
Symmetry
At a point
where
x and y axis
meet,
our kismets
overheat,
our equation
complete.
Weird ang Weather
Weird ang weather ngayon, sweetheart
kahapo’y may lining ang ulap
sumasayaw na ginto ang kislap
mandi’y hinahaplos ang halaman nang banayad
tinatanaw, tumatanglaw sa mga puno ng gubat
sumasagap ng hangin para sa hinaharap
Weird ang weather ngayon, sweetheart
Di maampat ang luha sa ulap
Naging lila at dugo sapagkat
ang kulay ay nagkupas
pumapatak
hinahampas ang halama’t sinisikad
Sumisinghap ng hangin
ang mga puno
sa kay tagal nang nakalipas
Weird ang weather ngayon
Kahit maghahatinggabi na
Di ba sweetheart?
Malamang, Sweetie,
hindi weird ang weather
kung naalaala mong
birthday ko ngayon,
di tulad kahapon
na wala namang okasyon
upang magbago
ang timpla
ng panahon.
Ang Salamangkero
Bilib ang balanang
bumibisita sa iyo.
Sa kumpas ng iyong kamay
lumabas ang kuneho
sa mahiwaga
mong sumbrero,
tumahan ang paslit
dahil nagkusang bumalik
ang lumipad niyang pipit,
sumulpot ang baraha
sa kamay ng matanda
na kanina’y hawak ng
iyong kaliwa,
nagulumihanan ang madla
nang ika’y makawala
mula sa pagkakatanikala
at lalong nagitla nang
ika’y pumailanlang
sa himpapawid,
at bigla
ang iyong paglalaho
sa gitna ng entablado.
at ako,
sa pagtatapos ng palabas
maiiwang walang kasama
ng bilib na balana,
patuloy na tutunghay
sa iyong panglaw
at pag-iisa
mamamalikmata kahit
walang
mahika,
maglalaro ang iyong kumpas,
igagapos ang aking mga kamay
at mananatili akong
nakalutang sa hangin
ng malay,
at sa malao’t madali’y
paglalahuing parang bula
dahil sa iyong
malikot na diwa
at
mahiwagang salita.
Milagro
Tumahan sa pagtangis
ang bagyo
sa isang kumpas ng kamay
ng Matandang Salamangkero.
Nagising sa sariling hilik
si Cinderella
ang babaeng dating may insomnia.
Sumayaw ang araw
sa Silangan,
Nadaan sa santong dasalan
ang birheng matimtiman,
Nahanap ang aspile
sa bunton ng dayami,
Pumuti ang uwak
umitim ang tagak,
Sumanib ang langis
sa kristal na tubig,
Humalik ang langit
sa kinasuklamang lupa,
Lumikha ng bundok
mula sa punso
ngunit walang sumulpot
ni nagalit na nuno.
Naglakad sa dagat
si Mandong mangingisda
sa gitna
ng delubyong
sumalanta
sa mga bahay
sa aplaya.
Nanalo ng limpak-limpak
na pera
si Milyong magsasaka
nang sa loto’y
unang tumaya
nabawi ang kaniyang
lupang minana
mula sa kuko
ng panginoong-maylupa.
Ngunit
ang lumakad nang matulin
sa matinik na usapin
ng manggagawa
sa tinubuang lupa,
ang malaon nang kay lalim
na sugat,
magnanaknak
at dugo’y
tiyak
na
pa
pa
tak,
sapagkat
sa gitna ng kawalan ng trabaho
at pagsigaw ng pagtaas ng suweldo,
Walang mintis
sigurado
garantisado
kay Glo
Walang milagro.
© Will P. Ortiz
--------
KABUWANAN POETRY COMPETITION
April 5, 2008
Cubao Expo (formerly Marikina Shoe Expo)
Araneta Center, Cubao, Quezon City, Philippines
Finalists of Kabuwanan Poetry Competition:
1. KABUWAN(G)AN NG BUWAN by Raul "Tata" Funilas
2. HIMLAYAN SA BUWAN by By Jason Tabinas
3. LOST TO LUST by Deborah Rosalind D. Nieto
4. TALINGHAGA NG BUWAN by Noel Sales Barcelona
5. SILVER IODIDE SKY by Juan Emmanuel C. Fernandez
6. PAGHIHINTAY SA PALAKAYA by Soliman Agulto Santos
7. IT HAPPENS TONIGHT by Marc Laurenze C. Celis
8. PANAGIMPAN SA LILIM NG BUWAN by Glenn Ford B. Tolentino
9. KOMBULSYON by Brian B. Acabado
10. BUWAN(G) by Francisco Arias MonteseƱa
11. PROMO by Ada Dizon Angeles
Download file now
70162-080501-618752-40
© 2008 All Rights Reserved.
No comments:
Post a Comment